Tamang Kalalagyan at Pagtatapon ng Basura
Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang hindi pagtapon ng basura sa tamang lalagyan. Matuto tayong magtapon ng mga basura sa tamang lalagyan at matuto tayong pangalagahan ang ating kapaligiran. Dahil sa pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan ay isa sa mga maaambag natin sa kalikasan at mas maiingatan at mapapahalagahan natin ang kapaligiran. Ang pagtapon ng basura'y iwasan sa halip ay gawin natin itong dahilan upang tayo ay magkaroon ng disiplina hindi man lang sa ating sarili maging sa ating kapaligiran. Ang wastong pagtapon nito sa tamang lalagyan ay isa ng malaking kalutasan. Para maiwasan ang pagdami ng nakakalat na mga, gumawa ng compost pit at dito ilagay ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok, o di kaya naman ilagay natin sa sako ang mga hindi nabubulok na basura at saka natin ibigay sa naghahakop ng mga basura pagdating nila. Dapat nating tandaan na ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan ang siya ring nagiging dahilan kung bakit tayo nadadapuan ng mga sakit.